Palakasang Manigarilyo

Pau  : Alam nyo ba yung lolo ko, Anlakas manigarilyo, nakaka-dalawang kaha ng sigarilyo sa isang araw, Ganung katindi manigarilyo ang lolo ko!
Vin  : Wala yan sa lolo ko, sa isang araw nakaka-tatlong kaha, sunod-sunod yun
Ron : Mga lolo nyo ata mga itit-buga eh? Walang sinabe yang mga lolo nyo sa lolo ko, ilan sau 2 kaha? sau 3 kaha? wala yan sa lolo ko! sa lolo ko isa..
Vin  : Ngek! isang kaha?! mawalang galang lang, di ata natatama yun?! pinagyabang mo yung isang kaha, eh 2 nga dito tapos tatlo saken.
Ron : Eh baket tapos na ba kwento ko? Mas malakas manigarilyo lolo ko sa mga lolo nyo, Yun bang mga lolo nyo hinihitit ung filter? pag ung lolo ko natapos na sa paninigarilyo, yung kaha mismo iiikot tapos sisindihan, walang tapon.
Wahahahahahahahahhaha!


Pasungitan Ng Lolo

Pau  : Lolo ko ansungit! biruin nyu namasyal sa Manila Zoo, alam nyu ung mga nananahimik na ibon, binulabog! nagalit pa yung mga tao dahil sa ginawa nya, Ganung kasungit ang lolo ko!
Vin  : Ang cool naman ng lolo mo, di marunong magalet, Wala yan sa lolo ko, minsan yun nagpunta din sa Manila Zoo, dun sa me parteng Gorilla, nagwawala ung gorilla, nabwiset ung lolo ko, pinatahimik ung gorilla, nagalit din yung mga tao dahil sa ginawa nya, Ganung kasungit ang lolo ko!
Ron : Santo ba mga lolo nyo? ambabaet eh! nalulupitan na ba kayu sa mga lolo nyo? pero yun nga ang problema ko eh. ung lolo ko sobra lupit eh, me Elepante sa kanan nya, sa kaliwa naman me leon tpos me tigre sa harap. Walang ginagawa ung mga hayop sa lolo ko, nakatahimik lang, Alam nyo ginawa ng lolo ko? Sinindihan..!
Vin  : Eh di nagalit yung mga tao sa lolo mo?
Ron : Hinde, Natuwa pa nga eh , nagpalakpakan pa kasi nawala ung lamok
Vin   : Baket ano ba sinindihan ng lolo mo?
Ron : Katol
Wakekekekekekekekekkek!


Pataasang Tumalon

Pau  : yung lolo ko, 61 yrs old, pumunta s 5th floor ng building at saka tumalon, alam nyo nangyare, hinde namatay, nasugatan lang tsaka nabukulan, Ganung kataas tumalon ang lolo ko!
Vin  : Ambata ng lolo mo! ngayun pa lang nag-uumpisang tumalon yun eh! yung lolo ko 75yrs old, 5th floor din tumalon, tapilok lang
Ron : Ano ba mga lolo nyo me phobia sa heights? ung mga lolo nyo 5th floor lang, yung lolo ko 90yrs old, sa eroplano tumalon, 37,000 Feet, inuulit ko! 37,000 Feet! Pinagalitan lang eh.. tumalon talon lang sa eroplano eh.. pinagalitan ng stewardess....
Wakokokokokokokok!


Pinakamabait na pusa

Pau  : Alam nyo ba yung pusa ng lolo ko? ambaet! biruin mo iniwan lang namin ung ulam sa mesa sa loob ng limang araw, dumaan ung pusa, di man lang pinakeelaman, wala pang saklob ung ulam ha, Ganung kabaet ang pusa ng lolo ko!
Vin  : Pero wala yan sa pusa ng lolo ko, Sobra baet netong pusa ng lolo ko . ulam namin fried chicken, eh pagkasarap ng fried chicken di ba? naiwan sa lamesa isang linggo nakatiwangwang walang saklob, dinadaanan lang ng pusa. Nakabaet ang pusa ng lolo ko!
Ron : Mga pusakal ba alaga ng mga lolo nyo? ang sasalbahe eh! wala yang mga pusa ng lolo nyo sa pusa ng lolo ko, napakabaet, ung ulam namin nasa lamesa, nakatiwangwang walang saklob, isang buwan un, ganung kabaet ang pusa ng lolo ko!
Vin & pau : Ahh! Alam ko na, panis ung ulam eh isang buwan eh, di talaga kakainin ng pusa un.
Ron : Hinde, Ung ulam namin hindi napapanis
Vin  : Bakit ano ba ulam nyo?
Ron : Asin
Ahahhahahahahahahahah!


Pagalingan Ng Talento

Pau  : Alam nyo ba talento ng lolo ko? yung lolo ko nakakainom isang litro ng tubig isang tunggaan, di humihinga, Ganung kagaling ang talento ng lolo ko!
Vin  : Wala yan sa lolo ko! Mas matinde talento ng lolo ko, ung lolo mo ba nakakatulog ng nakatayo? yung lolo ko, pag-inantok yun.. pipikit lang yun basta on the spot nakatayo , walang sandalan, tulog! bukas na gising nun. Ganung kagaling ang talento ng lolo ko!
Ron : Isang litro sau? nakakatulog ng nakatayo naman ung sau? Wala yang mga talent ng lolo nyo sa lolo ko, ito tunay na talent parang magic, naninigarilyo habang nagsisipilyo
Vin  : Pambihira eh sira ulo ata lolo nito eh, eh di nabasa ung sigarilyo?!
Ron : Andali-dali lang nun eh, magsisigarilyo siya, tatanggalin ung pustiso , sisipilyuhin nya, o ano pambihira dun?!
Nyahahahahahahahah!


Pinakamagaling Tumitig

Pau  : Yung lolo ko mtindi s chix, tinignan ung babae, tumingin din ung babae, tinitigan ung babae, tinitigan din nung babae, alam nyo nakuha ng lolo ko? cellphone number nung babae. wlang pikit pikit un titig lang. Ganung katindi titig ng lolo ko!
Vin  : Lolo mo ba puyat? di ata makatitig ng maayus lolo mo eh. wala yan sa lolo ko, mas mtinding tumitig yun, ganun din may dumaang chix, nagkatitigan sila, yung titig ng lolo kong yon, hindi lang cellphone number ang nakuha, pati address ng bahay nakuha, Ganung katindi titig ng lolo ko!
Ron : Mga lolo nyo ba puwingen? Walang katitig-titig mga lolo nyo eh, Alam nyo nug lolo ko may nakasalubong mistisa, matangkad, 36-24-36, tinitigan nya, nagkatitigan sila, nakuha lahat! Walang number na kinuha.
Vin  : O, Pambihira anong walang number na kinuha?!
Ron : Ang kinuha nya lang wallet, bag, punseras, hikaw, Holdaper ung lolo ko eh
Wakkokokokokokoko!



Visit AMD Web Site

Visit AMD Web Site

Visit MS Vista Web Site

Visit Epox Web Site

Visit Geil Web Site

Visit NVidia Palit Web Site

Visit Radeon Web Site

Visit BenQ Web Site

Visit Logitech Web Site

Visit Seagate Web Site




Visit WCG Web Site
WEG site temporarily down
Visit Asus Web Site

Visit Asrock Web Site

Visit Altec Lansing Web Site

Visit Enermax Web Site

Visit PC express Web Site

Visit Arirang TV Web Site
Visit PLDT Web Site

Visit SmartBro Web Site

Visit Telus Internet Web Site

Visit TeamSpak Web Site

Visit Tripod Web Site
Visit Dota-allstars Web Site

Visit Clan Wars Web Site

Download Latest Dota Map

Download GG Client

PLDTPLAY Forums






© TEAM]643 Beta V1.0
Copyright 2007-2008 ™
All Rights Reserved ™
Site Coded By Aaron. Design By Aaron.