Palakasan ng ESP

Pau  : Yung lolo ko ang tindi pag nanaginip ng apat na numero sigurado lalabas sa lotto, ganung katindi ESP ng lolo ko, sigurado P500 ang panalo
Vin  : Mahina pa yan, Wala yang lolo mo sa lolo ko. Mas matinde ang ESP ng lolo ko, pagnanaginip ng limang numero, sigurado lalabas sa lotto, hindi pa rumble un, in order pa un. Sigurado P20,000 agd! Ganung katinde ESP ng lolo ko!
Ron : eto na naman tayo.. Wala yan mga lolo nyo sa lolo ko, pag nanaginip ng kumpleto anim na numero, araw araw..
Vin  : Eh di mayamang-mayaman na lolo mo?
Ron : Hinde eh Engot ung lolo ko eh..
Vin  : Bakit di mayaman ang lolo mo?
Ron : Meron lang siyang ESP pero ayaw sa sugal eh, hindi tumataya
Wakakakakakakakak!


Palinawan Ng Mata

Pau  : Ang linaw ng mata ng lola ko, 80 yrs old , ung hairpin nya sa buhok, nahulog, ambilis nakita, Ganung kalinaw ang mata ng lola ko!
Vin  : wala yan sa lola ko, eto 90 yrs old, alam nyo ung pakaw? nalaglag, tumalbog-talbog, nakita agad, Ganung kalinaw ang mata ng lola ko 90 yrs old na un!
Ron : Sabihen nyu sa mga lola nyo magpasukat na ng salamin, anlalabo ng mata eh, walang sinabe yang mga lola nyo sa lola ko, 100 yrs old! Mahina na pero malinaw ang mata, nagtatahi, ung sinulid pag shinoot sa butas ng karayom, walang tingen, no look! kaya lang sa sobrang hina nya, nabitawan nya ung karayom, hindi pa sumasayad ung karayom sa semento, nakita nya agad. Tumusok sa paa nya eh
Ahahahahahahahahahhahaha!


Pinaka Kuripot

Pau  : Yung lolo ko ang kuripot! nag birthday, ang handa menudo, pansit tsaka pritong manok, biruin mo tatatlong putahe lang
Vin  : Tatlong putahe? Grabe lolo mo maghanda, parang pasko! dami na nun! ung lolo ko, dalawang putahe , pansit at pritong manok dami ng putahe pinag uusapan dito
Ron : Big time mga lolo nyo, Maaksaya sa mga putahe, Wala yan sa lolo ko, yung lolo ko mas kuripot yun, nung nagbirthday un ang handa limang ulam.
Vin  : Pano magiging kuripot yung lolo mo eh dami nun limang ulam. samen tatlo at dalawa lang.. Ron : Eh baket tapos na ba yung kwento ko?... alam nyo ba yung limang ulam na handa ng lolo ko?... Yun ung tira nung handa ng mga lolo nyo..
Hahhahahahahahahahhaa!


Pagalingang Magtalop Ng Niyog

Pau  : Alam nyo yung buko? alam nyu naman siguro kung gano katigas ang balat nun? tinatalupan ng lolo ko un sa pamamagitan ng ngipen, Limang buko tinalupan in 1minute. Ganung katinde magtalop ang lolo ko!
Vin  : Kulang sa calcium ang lolo mo, Mas matibay ang ngipen ng lolo ko. limang buko in 1minute
Ron : May mga toothache ba mga lolo nyo? Wala yang mga lolo nyo sa lolo ko, ang lolo ko kaya apat na buko..
Vin  : Eh sira pala ulo nito eh! pano nangyare un eh 5 at 7 ung sa mga lolo namin?!
Ron : Eh baket tapos na ba ako?... limang buko isang minuto?! pitong buko isang minuto?! ano gamit ng mga lolo nyo?
Vin & Pau : Ngipin shempre..
Ron : Alam nyu ba gamit ng lolo ko? Gilagid...
Ahahahahahahahahah!


Pagandahan Ng Lola

Pau  : Wala kayo sa lolo ko araw araw dinadala yung lola ko sa parlor, simula naging shota hanggang pinakasalan, araw araw dinadala sa parlor, para laging maganda yung lola ko. araw-araw. ganung magmahal ang lolo ko
Vin  : Pare! pasensya na ha , pero wala yan sa lolo ko. yung lolo kong yun, yun ang mashadong magmahal sa lola ko. simula dati hanggang ngayun, araw araw dinadala s cosmetic surgeon. para lageng maganda si lola.
Ron : Minsan papakilala ko ung lola ko sa mga lola nyo, para mabigyan ng beauty tips, ampapanget ng lola nyo eh, pero kinalulungkot ko, pero wala pa din ung mga lolo nyo sa lolo ko. mas matindi magmahal yun, araw araw dinadala ng lolo ko yung lola ko sa Beer house
Vin  : Teka parang di naman kapani-paniwala yan! baket sa beer house dinadala?
Ron : Kasi sabe ng lolo ko pag nalalasing siya, gumaganda sa paningin nya ung lola ko
Wakokokokokokokok!


Palakasang Gumastos

Pau  : Wala kayo sa lolo ko ang gastos! tiga pasig un eh.. katabi lang ung bahay nun ng megamall, pero pag pumunta un dun nagtataxi pa, ganung kagastos ang lolo ko!
Vin  : Antipid naman ng lolo mo! Wala yan sa lolo ko, mas masgatos ung lolo ko, alam mo ung lolo ko, inutusan lang bumile ng suka sa kanto, magtataxi pa. Ganung kagastos yun!
Ron : Mga lolo nyo mga hindi naglalabas ng pera, ang kukuripot eh! wala yang mga lolo nyo sa lolo ko, maghapong naka-taxi, kahit anong oras basta lumabas naka-taxi.
Vin  : Grabe naman luho ng lolo mo?!
Ron : Hinde, Hinde Luho..
Vin  : Eh ano?
Ron : Eh taxi driver eh...
Ahahahahahahahahhaha!



Visit AMD Web Site

Visit AMD Web Site

Visit MS Vista Web Site

Visit Epox Web Site

Visit Geil Web Site

Visit NVidia Palit Web Site

Visit Radeon Web Site

Visit BenQ Web Site

Visit Logitech Web Site

Visit Seagate Web Site




Visit WCG Web Site
WEG site temporarily down
Visit Asus Web Site

Visit Asrock Web Site

Visit Altec Lansing Web Site

Visit Enermax Web Site

Visit PC express Web Site

Visit Arirang TV Web Site
Visit PLDT Web Site

Visit SmartBro Web Site

Visit Telus Internet Web Site

Visit TeamSpak Web Site

Visit Tripod Web Site
Visit Dota-allstars Web Site

Visit Clan Wars Web Site

Download Latest Dota Map

Download GG Client

PLDTPLAY Forums






© TEAM]643 Beta V1.0
Copyright 2007-2008 ™
All Rights Reserved ™
Site Coded By Aaron. Design By Aaron.