Surfing

Pau  : Nag outing kme kahapon. wala kayo sa lolo ko nagse-surf sa big wave, 30 minutes na nakatayo pa din, Ganung katinde magsurf ang lolo ko!
Vin  : Wala yang lolo mo sa lolo ko, big wave din nagse-surf un 30minutes din pero di paa gamit.. kamay, naka handstand
Ron : Wawalang galang lang sa mga lolo nyo ha, mga lolo nyo parang na-out of balance eh, pero wala yan sa lolo ko, tig 30 minutes mga lolo nyo, ung lolo ko 20minutes nakatayo sa dagat
Vin  : Oh pano naman nangyare un pinagyabang mo pa eh eh 30minutes ung mga lolo namin
Ron : O baket tapos na ba ako? Eh ano ba gamit mga ng mga lolo nyo surfboard ba?
Vin & Pau : Oo! shempre Surfboard!
Ron : Yung lolo ko tansan e
Ahahahahahhahahahah!


Singer

Pau  : Di nyo natatanong , lolo ko magaling kumanta , naimbitahan sa fiestahan un dati, pinalakpakan ang mga tao isang minuto, sa galing kumanta. ganun kagaling kumanta ang lolo ko!
Vin  : Pare pasensya ka na pero wala pa din yang lolo mo sa lolo ko, yun ang talagang magaling kumanta naimbitahan din sa fiestahan un dati, pagkatapos kumanta palakpakan ang mga tao 3 minuto
Ron : Mga lolo nyo walang audience impact! Matindi tong lolo ko .. 30 minutes ang palakpakan
Vin  : Ganung kagaling kumanta lolo mo?
Ron : Hinde, Desentonado nga eh, eh shempre sa tuwa ng mga tao natapos din kumanta
Hahahahahahahaha!


Nagpapalutang Ang Lolo

Pau  : me kwento ko sa inyu, ung lolo ko nakakapagpalutang ng mga bagay na nawawala, minsan nawala ung singsing ng lola ko, alam nyo ginawa ng lolo ko? nag concentrate, maya maya lumulutang na ung singsing. Ganun katindi magpalutang ng gamit ang lolo ko.
Vin  : Ngayun lang ako humanga sa lolo mo ah, pero wala pa dn yang lolo mo sa lolo ko, nung isang araw nasa bubong kame ng lolo ko, bigla ko nabitawan ung cellphone ko, nalaglag ung cellphone, aabutin ko sana eh, kaso pinigilan ako ng lolo ko e. tinignan lang ng lolo ko ung cellphone sa ibaba tapos nagconcentrate, maya maya umangat ung cellphone ko
Ron : Mga lolo nyo wala sa focus! Biso mga lolo nyo eh, Wala yan sa lolo ko, ung lolo ko hinde na kelangan mag-concentrate, di nya lang napapalutang mga gamit, napapalipad nya pa, kahit TV npapalipad nun, ganung kagaling ang lolo ko!
Vin & Pau : Pano nya nagagawa un?
Ron : Ginagalit nya lang ung lola ko, Nagliliparan ung pinggan, ung TV, lahat lumilipad....
Nyahahahahahahahah!


Patalasan ng itak

Pau   : Alam nyo ung puno ng acacia, limang taga lang putol ang puno ng acacia, ganun katalas ang itak ng lolo ko!
Vin   : Itak ng lolo mo kalawangin na, Wala yan sa lolo ko, alam mo ung puno ng mangga? tatlong taga lang un putol
Ron : Ano ba mga itak ng lolo nyo bread knife? sa lolo ko isang taga lang bagsak ang puno
Vin  : Matalas nga ah, Teka, eh ano bang puno yan?
Ron : Saging
Wahhahahahahahahhaha!


Pahabaan Ng Buhok

Pau  : Alam nyo ba ung buhok ng lolo ko, pag sinuklay un. dalawang oras inaabot bago matapos, Ganung kahaba ang buhok ng lolo ko!
Vin  : Kakapagupet lang ba ng lolo mo? ang iksi ng buhok eh. wala yan lolo mo sa lolo ko, mas mahaba ang buhok ng lolo ko, ung sayu dalawang oras? eh ung lolo ko tatlong oras pag sinuklay e.
Ron : Mga lolo nyo ba laking military?! baket puru white side wall buhok nun. Mawalang galang lang ha pero wala yang mga lolo nyo sa lolo ko, ung isa 2 oras? ung isa 3 oras magsuklay? yung lolo ko isang oras at kalahati
Vin   : siraulo pala lolo nito eh. isang oras at kalahati? eh 2 at 3 oras kung suklayin ung sa mga lolo nmin?
Ron : Eh teka hinde pa ko tapos eh, San ba buhok ng mga lolo nyo?
Vin & Pau : sa ulo shempre...
Ron : eh ung sa lolo ko sa ilong
Nyahahahahahahhaha!


Pataasan Ng Timbang

Pau  : Wala kayo sa lolo ko nung pasko bumigat 200lbs. Ganung kabigat ang lolo ko!
Vin  : Mabigat na sayo un? Bagsak apetite ng lolo mo, Ano lolo mo unan? wala yan sa lolo ko, lakas kumaen nun, nung pasko bumigat ang timbang ngayun nun 300lbs.
Ron : Yung mga lolo nyo ba malnourish? Walang gana kumain mga lolo nyo eh. ung lolo ko nung pasko puru keso tinapay, keso tinapay lang ang kinakaen nun tsaka konting prutas, pakurot-kurot lng, bumigat din 100lbs.
Vin  : Teka, eh ung aken 300lbs tpos ung isang lolo 200lbs, Pano bumigat ang lolo mo?
Ron : Eh baket tapos na ba ako? 100lbs.. ung isang binti pa lang un, pano pa ung isang binti?
Nyahahahahahahahahah!



Visit AMD Web Site

Visit AMD Web Site

Visit MS Vista Web Site

Visit Epox Web Site

Visit Geil Web Site

Visit NVidia Palit Web Site

Visit Radeon Web Site

Visit BenQ Web Site

Visit Logitech Web Site

Visit Seagate Web Site




Visit WCG Web Site
WEG site temporarily down
Visit Asus Web Site

Visit Asrock Web Site

Visit Altec Lansing Web Site

Visit Enermax Web Site

Visit PC express Web Site

Visit Arirang TV Web Site
Visit PLDT Web Site

Visit SmartBro Web Site

Visit Telus Internet Web Site

Visit TeamSpak Web Site

Visit Tripod Web Site
Visit Dota-allstars Web Site

Visit Clan Wars Web Site

Download Latest Dota Map

Download GG Client

PLDTPLAY Forums






© TEAM]643 Beta V1.0
Copyright 2007-2008 ™
All Rights Reserved ™
Site Coded By Aaron. Design By Aaron.