Bakit?
Boy 1 : Anong hayop ang nagtatanong ng bakit?
Boy 2 : Ano?
Boy 1 : Eh di gorilla!
Boy 2 : Gorilla....bakit?
Wakekekekekekekekk!
|
Ang Lasing at Ang Panot
Lasing : Panot! panot!
Panot : Eh, ikaw, lasing! lasing! lasing!
Lasing : 'Di bale, bukas 'di na ako lasing. Eh, ikaw, bukas panot ka pa rin.
Wakokokokokokokokokokok!
|
Halik
Isang babae ang nagreport sa pulis na siya ay ninakawan ng halik
Nang tanungin siya ng pulis kung ano ang itsura ng naturang lalake, walang masabi ang babae.
Pulis : Alas dose ng tanghali, bakit hindi mo namukhaan?
Babae : pumipiket po kasi ako pag hinahalikan eh
Ahahahahahhahahahahahah!
|
Tipid sa pamasahe
Takbong pumasok ng bahay si Mario. Pagud na pagod, pero masayang-masaya. Nagmamayabang pa sa ina.
"Nanay! Nanay! Nakatipid ako ng uno singkwenta."
"Nakatipid? Paano?" tanong ng nanay.
"Aba'y 'di ako sumakay ng dyip. Sumabay lang ako ng takbo. Kaya't nakatipid ako ng one-fifty!"
"Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo, 'Di mas malaki ang natipid mo!"
Hahahaahhahahahahah!
|
Calculator
Juan : Pare pupunta ako sa Manila ano ba ang Elevator?
Pedro : Nanggaling na ako diyan kaya alam ko na iyan, kwarto yan na kapag sumakay ka hindi ka na aakyat sa taas kung ilang palapag ang building.
Juan : Ano naman pare ang Escalator?
Pedro : Yan ay hagdanan kapag sumakay ka diyan hindi ka na maglalakad automatic dadalhin ka sa taas.
Pedro : Ano naman pare ang Calculator? kasi pupunta ako sa Manila para hindi naman ako kahiyahiya.
Juan : Sorry pare di pa ko nakakasakay dyan eh..
Wakekekekekekekke!
|
Ang Tatlong Lasing
Lasing 1 : Pare ano ba ung??
Lasing 2 : Ahh un ba?? poste un pare...
Lasing 1 : Hindi pare buwan un...
Lasing 2 : Hindi pare poste un...
Lasing 1 : etoh pare may dumadaan...tanong nalang natin..
Lasing 1 : Pwede ba mag tanong pare?? ano ba un?? poste o buwan??
Lasing 3 : Malay ko hindi naman ako taga dito ehh!!!
Hahahaahhahahahahah!
|
Kawawang Pasahero
Isang araw may isang babaeng nag kukuwento tungkol sa nakita nyang aksidente
Girl : Grabe banggaan dito ng dalawang jeep
daming namatay
Naawa nga ako dun sa isang pasahero eh
Kahit putol na isang binti nya pinipilit nya parin
Gumapang palapit sa driver at sabihing.."mama sukli ko oh estudyante lang"
Hahahaahhahahahahah!
|
Daming Tanga Sa Mundo
Pedro : Ang daming tangang tao sa mundo ano!!
Lovely : Bakit?
Pedro : Alam mo kanina sa sabongan may nakipaglaban sa akin ng bibe
Lovely : Oo nga ano!
Pedro : May mas tanga pa dyan, akalain mo ung bibe itinaya sa sabongan
Lovely : Oo tanga nga naman nun
Pedro : May mas tanga tanga pa dyan, akalain mo natalo ko sa bibe!!
Wakekekekekekekke!
|